We all knew her as the evil black-and-white covered villain Cruella de Vil in 101 Dalmatians. I find it amazing how she really looked like a man in this intriguing film.
Glenn Close just got nominated for an Oscar award for best actress for her role as Albert Nobbs in the movie with the same title. We all knew her as the evil black-and-white covered villain Cruella de Vil in 101 Dalmatians. I find it amazing how she really looked like a man in this intriguing film.
0 Comments
Enough of the Twilight Saga. Tim Burton's Dark Shadows will feature a vampire Johnny Depp (which is, without a doubt, so much better than Edward Cullen and his shimmering body).
This newest character of J. Depp in this gothic-horror movie will once again prove his versatility as an actor and a role-player. He will play Barnabas Collins, a human-turned-vampire who came back to the real world after two centuries of deep sleep. Below is a still from the movie showing a vampire Johnny with co-star Michelle Pfeiffer. What a treat for Friday the 13th! "Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story" -- Humakot ng Best Picture, Best Director, Best Supporting Actor, Cultural Award, Best Screenplay, Best Production Design, Best Editing, Best Musical Score, Best Sound Recording, Best Cinematography, and Best Original Theme Song sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF). Eto yung Tagalog movie na original sound track (OST) pa lang, panalo na! Di maikakailang karapat-dapat sila sa mga award na nakuha nila sa MMFF. Sa panahon ngayon, hindi na uso yung mga Pinoy action movies tulad noong 80s and 90s na kanya-kanyang bansag ang mga action stars. Sa panahon kung saan mga romance movies na English ang pamagat at mga paulit-ulit na corny fantasy series ang palaging napapalabas sa sinehan, si Asiong Salonga ang pag-asa ng industriya ng pelikulang Pilipino na pwedeng ipantapat sa mga Hollywood films. Music videos pa lang, busog na sa aksyon at dekalidad na aktingan. Kahit black and white, makikita talaga kung bakit nanguna sa MMFF ang pelikulang ito lalo na sa editing at cinematography. Unkabogable pa rin ang pakikidigma ni Praybeyt Benjamin sa mga sinehan. Pagkatapos ng ilang linggong pamamayagpag sa pinilakang tabing, dagsa pa rin ang mga taong gustong mangalay ang panga. Ito yung pelikulang matatawag mong trailer pa lang, ulam na. Bukod sa all-star cast ng The Unkabogable Praybeyt Benjamin, punong-puno rin ito ng mga kwelang linya na pumatok at kumalat pa sa social networking sites. Tipikal na kwento ng pagpapatunay ng kakayahan ng isang itinakwil ang ipinakita ng pelikulang ito. Bukod sa isyu ng pagtanggap ng pamilya sa tunay na kasarian ng bida, may mga ipinakita ring isyu sa lipunan na kapupulutan ng aral. Una na rito ang diskriminasyon. Kapag bakla ba, hindi na pwedeng sumali sa sandatahang lakas? Kapag bading ba, patatalsikin na sa pagiging sundalo? Kapag beki ba, wala nang kakayahan at diskarteng lumaban? Hindi ba pwedeng wala munang stereotyping? Pangalawa, tinalakay din ang iba't ibang sitwasyon sa buhay ng tao na sinasabing kahinaan kuno. Pinakita ito sa pamamagitan ng mga nakilalang kaibigan ni Benjamin "Benjie" Santos VIII sa loob ng training camp na may mga kanya-kanya ding kawirduhang taglay. Ipinakita sa pelikula na hindi dapat tingnan agad bilang kahinaan ang isang bagay base sa panlabas na anyo o katayuan sa buhay. Ang hindi alam ng nakararami, mas mayroon palang ibubuga ang mga ito kaysa sa mga taong mapanghusga. Sa larangan ng komedya naman, tadtad ng mga patawa ang buong pelikula. Nakahanda talaga ang ngala-ngala sa paghalakhak. Hindi lang makalaglag-panga ang mga linya at pamimilosopo, pati ang mga pagkakataon na nagiging bahagi ng pelikula ang audience ay nakakaaliw din. Bukod sa maraming exposure ng flawless legs ni Vice Ganda at hot body ni Derek Ramsay, kaabang-abang din ang part two ng Praybeyt Benjamin. "Dust in the wind... All we are is dust in the wind..." It’s the creepy song from the fifth installment of the extremely morbid Final Destination film series which started in 2000. This movie never failed to follow the tradition of the previous installments in presenting the characters at the very beginning, then the establishment of the gory premonition of one of them. In all of the Final Destination films, the stories revolve around one character that has the ability to foresee a huge tragedy then saves a few others before it happens. But since Death doesn’t like to be cheated, they die in violent accidents in the same chronological order from the original vision. The Final Destination movies are known for giving viewers their dose of brutal deaths -- the almost impossible or maybe exaggerated squishing, splashing, crushing or breaking of body parts. The five installments show different scenarios of the premonition, as well as unique and unexpected fatalities that follow -- one by one. In this fifth movie, the characters are not just friends and lovers, but workmates. They escaped getting killed in a bridge collapse on the way to their company retreat. The "one-by-one deaths" are not abrupt. Everything is suspenseful; making you cringe at the edge of your seat, unable to breathe, then suddenly scream in shock. You will hear or even utter a lot of eews and OMGs in disgusting scenes. With blood pouring and flesh being thrown out of the body, Final Destination 5 is one hell of a wild ride. Twists include a depressed-character-turned-murderer, plus the return of the creepy coroner, William Bludworth, from the previous installments. Pamagat pa lang, alam mo nang may something sa pelikulang ito. Yung iba, nahahabaan. Yung iba nawiwirduhan. Yung iba, natatawa. Yung iba, napapatanong: "Seryoso??" Yung iba, napapasabi: "Ano ba yan, ang korni naman. Tungkol sa kabaklaan na naman yan." Yung iba, hindi papansinin man lang dahil akala nila ay tipikal na Pinoy comedy film lalo pa’t puno ng kabadingan ang pamagat, mula sa zombadings, shokot at pangalang Remington. Pero napakalaking pagkakamali ng mga komentong ito. Ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington ay isang independent comedy film na hindi lang basta nakakatawa. Marami rin itong ipinakitang isyu sa lipunan na kapupulutan ng aral. Una na rito ang diskriminasyon. Naparusahan si Remington dahil sa pangungutya niya sa mga bakla. Pinapakita nito ang masamang epekto ng maliit na tingin sa mga binabae. Kung lahat ng taong pinagtatawanan ang mga bakla ay makakakuha ng ganitong parusa, siguradong wipeout ang mga tunay na lalake sa mundo. Pangalawa, ang homophobia ng serial killer na target paslangin ang mga bakla. Pinapakita nito ang katotohanan na marami rin ang may galit sa mga bading na tingin sa mga ito ay salot sa lipunan, kahihiyan at dapat burahin sa mundo. Pangatlo, ang katotohanang maraming pusong-babae ang hindi pa naglalantad dahil sa takot o hiya. Pinapakita nito na kahit gaano pa kabrusko ang pisikal na anyo, hindi maitatago at hindi dapat ikahiya ang tunay na nararamdaman. Pang-apat ay ang makabagbag-damdaming linya tungkol sa pagiging ama ng isang bakla. Maraming bakla na haligi pa rin ng tahanan. Hindi dahilan o hadlang ang kanilang napiling kasarian para sa pagtataguyod ng pamilya sa marangal na paraan. Sa kabuuan, napakagaling ng pagganap ni Mart Escudero bilang Remington. AWAAAARD talaga ang pagiging bakla niya. Panalo ang "best-friends-turned-gay-lovers" scene nila ni Kerbie Zamora bilang Jigs. All-star cast ang pelikulang ito at marami ring cameo roles. Sa buong takbo ng pelikula, may mga hindi inaasahang eksena at mga rebelasyon. Tiyak na mababanat ang panga ng manonood dahil sa sobrang katatawanan na hatid nito. Higit sa lahat, pagkatapos mong panoorin ito, marunong ka nang magsalita ng gay lingo. Sabi nila, pag indie film daw, malalim. Sabi nila, pag indie film daw, dapat matinding pag-iisip ang kailangan. Pero ang tinaguriang "box office hit" ng Cinemalaya 2011 na humakot ng limang parangal -- kabilang na ang Best Actress at Best Picture -- ay simple lang. Magaan ang istorya. Umiikot ang kwento sa kagustuhan ng isang grupo ng tatlong malilikhaing indibidwal na makabuo ng isang pelikulang pang-international film festival ang kalidad. Bukod sa problema sa konsepto ng kanilang gagawing pelikula na pinamagatang Walang Wala, nagkaproblema rin sila sa kukuning artista na gaganap na Mila. Gusto kasi nila ng pang-Oscars ang aktingan. Dito papasok si Eugene Domingo na gagampanan ang kanyang sarili. Pinakapaborito kong parte ang tatlong uri ng pag-arte ayon kay Ms. Eugene -- ang "elevator" acting, "TV Patrol" acting, at "as is, where is" acting. Mapapasabi ka ng, ay oo nga, ganun pala yun! Maganda ring halimbawa ng "kayabangang Pinoy" ang ipinakita ng karakter na si Arthur Poongbato. Matatawa ka at maaasar sa sobrang yabang. Para sa akin, kahit hinaluan ng katatawanan ang Ang Babae Sa Septic Tank, marami pa rin itong natalakay na isyu. Una na rito ang tungkol sa paggawa ng pelikula. Ipinakita ng tatlong karakter na sina Bingbong, Rainier, at Jocelyn ang prosesong pinagdaraanan para makabuo ng dekalidad na obra. Pangalawa, ang katotohanan na sa isang mahirap na pamilya, mayroon talagang nagpapamigay ng anak kapalit ng pera. Pangatlo, ang makailang beses na pagpapakita ng laganap na kahirapan sa bansa -- mga iskwater, siksikang eskinita, gabundok na basura, kawalan ng pagkain, at pangangahoy ng sasakyan. Bonus na lang talaga ang pagkahulog ni Ms. Eugene sa septic tank. Isa pang kapansin-pansin sa pelikulang ito ay ang epektibong tandem nina JM de Guzman at Kean Cipriano. Kumbaga sa loveteam, mayroon silang chemistry. Swak. Sa kabuuan, di maikakaila na maging Audience Choice nga ang pelikulang ito. Ngayon ay Hulyo 23, 2011. Kung ating bibilangin, 20 buwan na ang nakalilipas mula nang maganap ang karumaldumal na masaker na pumatay sa maraming inosenteng tao -- karamihan dito, mga mamamahayag. Kahapon ng tanghali, naka-special coverage pa ang pagbabalik sa kulungan ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan mula sa ospital. Kinagabihan, may special screening naman ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ng DEADLINE (THE REIGN OF IMPUNITY) -- isang pelikulang hango sa mga kaganapan ng Maguindanao massacre. Isa ako sa mga mapalad na nakapanood nito. Kasama ko ang kaibigan kong kumukuha ng Master of Arts in Journalism sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kabuuan ng independent film na ito, nakailang beses siyang nagmura at nagulat. Siguro dahil ito ang kanyang "self-expression as a reaction" sa mga eksena sa pelikula o yun na lang ang masasabi niya sa konsepto na pinaghuhugutan ng eksena. Siguro parehas. Sensitibo kasi ang tema ng pelikulang ito. Hindi ito tulad ng mga tipikal na indie film na puno ng simbolismo at kailangan ng malalimang pag-iisip. Dito sa DEADLINE, nakahain na lahat sa mga manonood. Mapapamura ka talaga sa realidad ng mga nagaganap sa bansa natin. Magugulat ka talaga sa mga matutuklasan mo sa pelikulang ito. Di ka makakapaniwala na ganun pala yun. Kahit fictional ang mga pangalan ng tao at lugar, kitang kita ang paralelismo sa tunay na buhay. Kung iintindihing mabuti at oobserbahan ang ilang karakter at mga linya sa pelikula, talagang may mga matinding patama sa pulitika. Makikita kung gaano kagahaman ang mga tao, basta pera at kapangyarihan ang pinag-uusapan. Habang nanonood ako, sa isip ko: "Buti na lang, hindi ako tumagal sa dyaryuhan. Buti na lang, hindi ko forte ang pagsusulat ng balita. Buti na lang, hindi ko passion ang pulitika". Para sa akin, dapat mapanood ito ng mga ordinaryong tao. Ang alam kasi ng iba, simpleng masaker lang ang naganap. Hindi nila alam ang katotohanan sa likod nito. Wala silang kamalay-malay sa misteryo at milagrong namamagitan sa mga matataas na opisyal na akala nating mabuti ang pamamahala. Hindi nila ramdam ang panganib sa buhay ng mga mamamahayag na naglilingkod sa bayan. Wala silang pakialam sa nagiging epekto nito sa atin bilang mamamayan ng Pilipinas. Sa kabuuan, isang matapang na obra maestra ang pelikulang ito. Maganda ang napakita at ginawa ang cast and crew, maihayag lang ang katotohanan. May drama, brutalan, aksyon, tensyon, panggulat at katatawanan (naging hyper ang mga manonood nang biglang naging boses ni Ate Glow ang babaeng hindi pinapakita ang mukha). Narito ang trailer ng pelikula. (If I were to describe this movie in one word, it would be “eye-opener”) The second part of the movie from the last Harry Potter book is now showing. We are all aware that it marks the end of a great era. There will be nothing more to look forward to.
As a huge fan of the author (Joanne Kathleen Rowling), the 7 books, and the 8 movies, I am one of those who are emotionally affected of this last hurrah. If there is one person who I want to thank for introducing magic into my life, it would be my father. He gave me my ticket to the wizarding world -- The Chamber of Secrets book! (I had The Chamber of Secrets first before The Sorcerer’s Stone). I started reading the books since I was in elementary. The story and the pacing got me hooked right from the start. The characters were all amazing. I became an instant fan. Years passed by and looked forward for the next books. The movies started to come out when I was already in high school. My addiction was getting extreme. During the time when we had a project in English about the biography of authors, I was lucky enough to be able to handpick J.K. Rowling. I enjoyed learning things about her and how she was able to give life to the entire “Harry Potter” concept. I presented it in class complete with wizard costume, makeshift wand, and an original Harry Potter glasses from the official merchandise. The anticipation for the books and movies continued in college. It was during The Order of the Phoenix screening when my college friends (who were also Harry Potter fanatics) and I imagined what it would be like if the other movies come out after graduation. One said we would be taking our kids with us in the cinemas. The other said we would be professionals by then. Years passed and more movies were shown. But here we are, all emotional about this last movie. Our imagination in college failed us because we are still struggling in life up to now. Kidding aside, I am really sad about this. Looking back at the memories from being a simple “childhood bookworm” addiction to feeling amazed at the physical changes of the cast of the movies through the years, I am grieving so much about the end of something special that has been a huge part of my life. To end this tribute, below is something that has been circulating in blogs. It will certainly touch the hearts of all Harry Potter followers. Tears will fall, smiles will form. This is it. IT ALL ENDS. In preparation for the fourth installment of "Pirates of the Caribbean", we look back to the acting prowess of Johnny Depp.
Here is a tribute to some of his memorable well-played characters. (I love them all, but my ultimate favorite is his "sea gangster" role. What's yours?) |
The author's name is always misspelled and mispronounced. But you can call her Maryowni.
HOT TOPICS
All
FIND ME HEREGET UPDATESARCHIVES
November 2012
BLOGOSPHERE** Cheers to LOVE.LIFE!
** all time fangirl ** Charlie, get your vogue on ** Think About It. ** Paulo Coelho's Blog ** The Professional Heckler ** Strange Fruit ** The Oatmeal ** Hot 10 ** nicknamed cheenee BEST GUESTSThis work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. SHOWS/EVENTS |